Damn broke. That's what an average student gets when he buys a new car and so independently wishes to pay for it on his own.

Monday, May 30, 2005

20

I'm 20. I got a new template. I'm coming back home tomorrow.

There really is nothing to it.

Wednesday, May 18, 2005

Kaarawan 2

O yan ha. Sabi ko sa inyo may susunod pa e. Katulad ng sinasabi ko school, "Told ya!"


O di ba ang sipag kong mag-blog ngayon. Naaliw lang ako kase andami kong kwento. Ayoko nang ikwento yung nangyayari dito kase hindi ako mauubusan ng kwento. Sasabihin nyo madadaldal ako. Ayan nga o ang haba haba na nung posts kong Kaarawan at Ako Ay Pilipino.

Wait lang may important email na dumating. Reply muna ko...

...

Yan tapos na kong mag-reply. So moving on, may masayang aspeto naman sa aking nalalapit na kaarawan. Katulad ng nakaugalian ko na simula pa nung grade school ako, nireregaluhan ko ang sarili ko tuwing may okasyon. Pasko, bagong taon, Valentine's day, Graduation day, birthday, at kung ano ano pang holiday katulad ng Labor day. Hindi ko alam kung baket ko ba nakaugalian yan. Siguro dahil takot akong walang magreregalo sa akin kaya nireregaluhan ko na lang ang sarili ko. At least mayroon. Mas masaya yun kesa wala. At ngayon nga ay mayroon na naman akong regalo sa sarili ko para sa nalalapit kong kaarawan. Alam nyo naman bumili ako ng kotse nung January at shempre panget yung nakalagay na radyo dun, casette lang. Kaya ibibili ko ang sarili ko ng bagong head unit. May napupusuan na akong JVC model, at baka yun na nga ang bilhin ko. Nagbabasa sya ng MP3, WMA, CD-RW, at shempre may radyo para sa aking walang kamatayang kahalingan sa aking istasyong pinamagatang Monster Radio.

Baka mayroon pang Kaarawan 3. Abangan.

Samantala, nakita ko itong pic na ito ni Emma Watson sa blog ni Paul Xymon



Tang*na. Ang ganda nya. Wala akong ibang masabi kung hindi,
"Haylabyu Emma!"

Tuesday, May 17, 2005

Kaarawan

Yan mayroon na akong naisip na topic para sa aking post. Pero sasagutin ko muna ang tanong mo.

Oo, simula ngayon ay Tagalog na ang blog entries ko. Pero informal lang siguro. May halong Ingles pa rin. Pero at least hindi lahat Ingles.

Okey, eto na. Kaarawan ko na. Hindi pa pala. Sa 29 pa. 20 na ko in 12 days. Hindi na ko teenager. Hindi naman sa ayaw ko pang maging 20. Pero ayaw ko pa nga. Ang saya saya maging teenager no. Pwedeng gumawa ng mga kagaguhan at sabihing hindi ko alam ang ginagawa ko dahil bata pa ko. Pwedeng magpaka-dependent sa mga magulang at humingi ng mga kung ano ano dahil bata pa ako at wala pa akong trabaho. Pwedeng magpa-cute at magpaka-abnormal dahil bata pa ko. Pwedeng mag-bar pag Sabado nights at may dignidad kang sabihin sa mga matatandang 20+ na graduate na sa kolehiyo na makikita mo sa bar na ang kapal nilang mag-bar, ang tatanda na nila. Pwedeng manligaw sa mga babae dahil bata pa, ambaduy baduy naman kase pag matanda na nagliligawan pa. Pwedeng kahit ano. Pwede lahat.

Higit sa lahat. Pwedeng mag-yosi.

Baket yung iba nagyoyosi pa rin kahit 20? Sasabihin mo sakin. Pero nag-set na kase ako ng limit nun pa lang magsimula akong mag-yosi. Sabi ko sa sarili ko, pag 20 na ko, hindi na ko mag-yoyosi. Pambata lang yan. Para sa mga taong gustong i-prove ang sarili nila sa ibang tao na kaya nilang humitit ng maraming usok. Kaya sabi ko, pag 20 na ko, mature na ko. Hindi ko na kailangan ng yosi. At kaya ko nang gawin ang pinakamahirap gawin (oo, mas mahirap pang gawin kaysa magpakabaduy), ang mag-quit sa pagyoyosi. Kaya eto ako ngayon at gumagawa ng benefit list ng hindi paninigarilyo para ma-encourage akong mag-quit. At ishe-share ko sa inyo.

1.) Mas maganda ang itsura ng baga ko pag kinunan ko ng litrato gamit ang isang hi-tech lung camera.

2.) Makakatipid ako ng pera. Ang konsumo ko ay 15 sticks sa isang araw. 3 packs sa 4 na araw. At dahil gusto ko ang lasa ng Davidoff (na 60 pesos isang kaha), makakatipid ako ng 180 pesos kada 4 days. 45 pesos a day yun. Dagdagan ko lang ng 10 pesos makakabili na ko ng tapsilog sa Rodics araw-araw. O kaya kung iipunin ko, mayroon akong 1350 pesos sa isang buwan. Bawasan ng 90 pesos sa buwan ng Pebrero.

3.) Walang magsasabi sa aking para silang humahalik sa ashtray.

4.) Hindi na magpa-palpitate ang puso ko pag nasobrahan ng yosi.

5.) Hindi na ko hihikain ng madalas.

6.) Babango na ang kwarto ko.

7.) Malalaman ko na kung pagyoyosi nga ba ang nagpo-restrict sa akin na tumaba. Habambuhay na lang akong 130 lbs.

8.) Bababa na ang degeneration rate ng brain cells ko. Sabi kase nila nakaka-degenerate daw yun. E kung maging bobo ako. Ayaw ko nga nun.

9.) Wala na akong dapat itago sa tatay ko. Ayaw nya kase akong magyosi. E nagyoyosi din naman silang dalawa ni mommy.

AT

10.) Mayroon akong ibang magagawa maliban sa pagyosi pag nagpapa-yosi break yung prof. Pwede akong mag-aral. O kaya kumain.

Nung isang taon ko pa talaga gustong mag-quit. Totoo. Hanapin nyo pa sa May 2004 archives ko. Andun lang yun. Pero ngayon totoo na to. Kakaririn ko na to. Todo na to!

#

May susunod pa dito. Hindi lang naman yan ang mga isipin ko tungkol sa nalalapit kong rite of passage to adulthood. Kaya abangan nyo na lang.

#

ishtar^, miss na din kita. Ü

Busy Ako

Obyus ba? Hehehe.